VSTECS HPE Proliant Servers Header Top
SM Supermall WatchSM
HPE Proliant Server Pencil Bar Right
HPE Proliant Server Pencil Bar Left

TM IS THE KEY REUNION CONCERT ang susi para makabawi sa GV! Ngayong July 2 na!

TM IS THE KEY REUNION CONCERT ang susi para makabawi sa GV! Ngayong July 2 na!

Na-miss nyo ba umattend ng concert, at kumanta at sumayaw sa mga paborito ninyong Pinoy music? Pagkatapos ng mahigit dalawang taon ng pananatili sa bahay, ngayong mas pwede nang lumabas kasama ang inyong pamilya at barkada, it’s finally time na makabawi sa good vibes sa TM IS THE KEY REUNION CONCERT ngayong paparating na July 2, 2022 sa Cagayan De Oro City.

Ang TM is The Key Reunion Concert, na gaganapin sa Pelaez Sport Center, Cagayan De Oro City, ay ang pinakahihintay na reunion ng mga Ka-TM kasama ang kanilang favorite TM Ambassadors na sina Alden Richards, Seth Fedelin, Matthaios, at The Juans. Makakasama din nila ang mga talented guest artists na sina Zack Tabudlo at December Avenue, at ang mga CDO-based bands na Inside City and Cyber Band, para tugtugin at ipagmalaki ang kanilang hit Pinoy music ngayon.

Maliban sa gabi na puno ng musikang Pinoy, maraming exciting activities at surpresa ang naghihintay sa lahat ng mga Ka-TM na dadalo sa concert. May mga raffle prizes na ipamimigay throughout the show katulad ng Huawei Watch, TM 5G phones, at P50k worth of barkada o family gala! Malalaman na rin ang grand winner ng TM is the Key Raffle promo na mag-uuwi ng 2 million pesos para siya ay makabawi sa life at ma-transform ang future ng kanyang pamilya.

Para sa samahang pina-easy, bubuksan din ng TM Tambayan ang pinto para sa mga bagong TM ambassadors na sina: vlogger and influencer, Baninay; TikTok gurus, GaiaPoly and Arshie Larga; girl group, KAIA; and Albert “Asian Cutie” Nicolas. Kasama ng TM, layunin nila ang magdala ng good vibes at tumulong sa iba’t ibang diskarte ng Pinoy katulad ng raket, pag-aaral, gaming, music, at content creation.

Ang TM is The Key Reunion Concert ay bukas at libre para sa lahat ng Ka-TM na nasa Cagayan De Oro at mga kalapit lugar nito. Para naman sa mga hindi makakapunta sa concert venue, pwedeng i-enjoy ang pagiging Team Bahay dahil mapapanuod din ang buong concert live sa TM Tambayan sa Facebook simula alas singko ng hapon.

“Ang samahan sa TM ay pina-easy dahil sa mga ganap na laging puno ng good vibes. Ang TM is The Key Reunion Concert ay ang aming paraan para tulungan ang mga Ka-TM na makabawi sa mga na-miss nilang fun moments kasama ang kanilang pamilya at barkada at maging tuluy-tuloy ang good vibes sa kanilang buhay!” ani Beatriz Lacson-Limon, TM Brand Head.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa TM IS THE KEY Reunion Concert at iba pang nakaka-GV na updates sa life, i-follow lang ang TM Tambayan sa Facebook, Twitter, TikTok, Instagram, at YouTube ngayon. Siguradong bawing-bawi ka sa GV dahil TM is the key!

Loading

About The Author

Raymund Ravanera is an accomplished and experienced graphic designer with almost 20 years of creative expertise working in the graphic design industry. He loves the latest gadgets, food and movies. Currently, he owns and manages megabites.com.ph, an online technology and lifestyle blog since 2015.

Related posts