VSTECS HPE Proliant Servers Header Top
SM Supermall WatchSM
HPE Proliant Server Pencil Bar Right
HPE Proliant Server Pencil Bar Left

“Pambansang Idol” Huwarang Manggagawa Search 2022” pays tribute to model skilled laborers in the country

“Pambansang Idol” Huwarang Manggagawa Search 2022” pays tribute to model skilled laborers in the country

Inilunsad ng Sobeler Corp. ang kauna-unahang kompetisyon na nagbibigay-pugay sa mga Pilipinong skilled laborers na pinamagatang “Pambansang Idol: Huwarang Manggagawa Search 2022” kahapon, ika-labinlima ng Setyembre, alas-dos ng hapon, via livestreaming sa DCA official Facebook page. Layunin ng kompetisyon na bigyang-pansin ang ‘di-matatawarang kontribusyon ng mga Pilipinong manggagawa na walang-pagod na nagsisikap upang itaguyod ang kanilang sarili, pamilya, at komunidad.

Sa kanyang panimulang mensahe, binigyang-importansya ni Sobeler Corp. President Belle Santiago ang mga sakripisyo ng uring manggagawa na nagbibigay-inspirasyon sa iba sa pamamagitan ng kanilang abilidad, kasipagan, at malasakit sa komunidad – mga bagay na ‘di-umano’y sumasalamin sa kanilang kumpanya.

Nagpahayag ng suporta sina Deputy Speaker and Chairman of the Committee on Trade and Industry Cong. Weslie Gatchalian at Department of Trade and Industry Assistant Secretary Noel S. Prudente. Hiningkayat ni Gatchalian ang mga skilled laborers at negosyanteng naapektuhan ng krisis na huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na magpursigi para bigyan ng magandang buhay ang kani-kanilang pamilya at komunidad. Ayon naman kay Prudente, nagtala ng pinaka-mataas na growth rate ng 25.7% ang construction industry nitong ikalawang quarter ng 2021, at pangkalahatang kontribusyon na 9.6% sa GDP ng Pilipinas.

Bukas ang kompetisyon sa lahat ng Pilipino at lalaking skilled laborers, edad 21 pataas na nagtatrabaho at nakatira sa Pilipinas, may kwento ng inspirasyon, pag-asa, at ‘di-matatawarang kontribusyon sa komunidad. Bawat kandidato ay kinakailangang nominado ng kanyang kinabibilangang grupo, barangay, NGO, o LGU. Sa pagtatapos ng kompetisyon sa susunod na taon, makakatanggap ang Grand Winner ng Php 100,000 premyo (tax-free), product showcase mula sa DCA Professional Power Tools, Workpro, o Shimge Water Pumps, isang Wespro Air Compressor, Kamapro Welding Machine Inverter, at tropeyo at certificate. Makakatanggap din ng mga premyo mula sa Sobeler Corp. ang nominator ng grand winner at mga runner-up ng kompetisyon.

Ang Pambansang Idol: Huwarang Manggagawa Search 2022 ay hatid ng Work Pro Tools,  DCA Professional Power Tools at Shimge Water Pumps exclusively distributed by Sobeler Corp.

Para sa kumpletong mechanics at detalye, tingnan ang kanilang nomination form sa Facebook page ng DCA, Workpro, at Shimge o tumawag sa kanilang secretariat hotlines: SECRETARIAT HOTLINES Smart/Viber: +63 968 421 4301, Globe/WhatsApp: +63 977 372 3011, Email: [email protected]

Loading

About The Author

Raymund Ravanera is an accomplished and experienced graphic designer with almost 20 years of creative expertise working in the graphic design industry. He loves the latest gadgets, food and movies. Currently, he owns and manages megabites.com.ph, an online technology and lifestyle blog since 2015.

Related posts