Nagtipon-tipon ang mga pamilyang Cebuano sa Talisay City Plaza noong Setyembre 21, 2024, para sa isang araw na punong-puno ng saya, palaro at papremyo hatid ng matagumpay na paglulunsad ng BRGY S2S: Walang-Sawang Saya, Laro at Papremyo na dala-dala ng Surf2Sawa at Converge sa Cebu. Matapos ang matagumpay na paglulunsad sa Quezon City, binigyan-diin ang availability ng upgraded prepaid fiber internet ng Surf2Sawa, na ngayon ay nagdadala ng bilis na hanggang 50 Mbps (mula sa dating 25 Mbps).
Ang masayang pagdiriwang ay pinaunlakan ng mga celebrities, mga kapana-panabik na aktibidad at mga papremyo. Ang mga ito ay kaakibat ng misyon ng Surf2Sawa na makapagbigay ng mabilis at maaasahan na internet na mura at abot-kaya.
Mas Pinasikat, Mas Pinasigla
Isa sa pinakamalaking tampok ng araw ay ang pagdalo ni Melai Cantiveros, na mainit na tinanggap ng mga Cebuano. Sinamahan sya nina Cheche Tolentino, Joy Cancio, at SB New Gen, sa pagbibigay ng kasiyahan sa pamamagitan ng kanilang mga palaro at magarbong pagtatanghal. Ang Dance2Sawa competition ang naging pinaka-paborito ng masa lalo na’t noong nagpakita ng natatanging sigla at talento ang mga mananayaw mula sa Cebu na talagang nagpasiklab at nakipagtagisan para sa pangunahing parangal.
Bawat Tahanan, Konektado
Bukod sa kasiyahan, ang BRGY S2S sa Cebu ay nakatuon sa pagpapalakas ng koneksyon ng bawat miyembro at bahagi ng komunidad kaya’t nagsumikap ang Surf2Sawa na ipamalas sa samabahayang Cebuano ang kanilang bisyon ng isang konektadong kinabukasan. Gawa ng kanilang mas pinabilis na prepaid plan, maari ng magamit at ma-enjoy ng bawat tahanan ang internet connection na hanggang 50 Mbps sa napakamurang halaga na P4.00 kada araw para sa bawat user (hanggang 6 na user sa parehong oras). Dahil sa Surf2Sawa, na kilala sa paghatid ng abot-kayang prepaid fiber internet, accessible na ang high-speed internet sa lahat ng walang hassle at walang kontrata.
Tatlong maswerteng pamilya naman ang napili sa inaabangang Sugod Barangay segment upang manalo ng isang taon na libreng internet at mga kapana-panabik na gadgets. Ang mga premyong ito ay bahagi lamang ng mga ibinigay sa araw na iyon, na sya ding nag-iwan ng ngiti at sorpresa sa lahat ng nakisalo’t dumalo.
Instant Connect, Instant Saya
Talaga namang hindi pinalampas ng mga Cebuano ang Instant Connect Promo na syang nagbigay ng 50% discount sa installation fees. Kaakibat nito ang pagkakataong makabitan ng internet at maging konektado sa high-speed prepaid fiber internet ng Surf2Sawa bago pa matapos ang araw. Ang agarang serbisyong ito ay tinanggap ng may malaking pasasalamat mula sa mga pamilyang Cebuano, na sabik na makinabang sa kanilang kakakabit lang na abot-kaya at maaasahang internet.
Isang Layunin para sa Bawat Pamilyang Pilipino
Binigyang-diin ni Ms. Sandra Zira Tubale-Dingal, Head ng Consumer Marketing sa Converge, ang kahalagahan ng Surf2Sawa sa mundo ngayon: “With Brgy S2S, we aim to show that high-speed internet is not a luxury—it’s a necessity. We are proud to provide a service that ensures every Filipino has access to the digital world, whether it’s for work, education, or staying connected with loved ones.”
Ibinahagi rin ni Dhing Pascual, Bise Presidente at Product Management Business Unit Head sa Converge, ang kanyang bisyon para sa inisyatibang ito: “This event isn’t just about fun and prizes; it’s about empowering communities. We want to make sure that every Filipino, regardless of where they are, has access to fast and affordable internet.”
Dinagdag pa nya, “This product is really designed to ensure … na lahat ng ating mga kababayan, not only here in Cebu, but all over the nation, will enjoy our fast connectivity, which is the Surf2Sawa brand … Ang thrust ng aming company is to serve the unserved and the underserved… So ‘yan ‘yung mga kababayan natin na … ngayon ang kanilang ways or means of having internet connectivity is via mobile na kung saan, bumibitaw, minsa’y may data cap,”
“With this product, the Surf2Sawa, we can answer all those issues. Wala tayong kontrata, the product is unlimited… you can download whatever movie… research… and all that. Hindi bibitaw yung internet connectivity. Imagine, ang ating mga kababayan … ay magkakaroon ng ganung service… I’m sure na mae-enjoy nila yung ating produkto,” Pascual added.
Sama-sama sa Kinabukasan: Bulacan, Tara Na!
Sa pagtapos ng mga kaganapan, ang mga pamilyang Cebuano ay siguradong umuwi na may dala-dalang magagandang alaala. Pinadama ng Surf2Sawa ang ipinapangako nitong layunin na matuldukan ang digital divide. Hindi nagtatapos sa tagumpay ng nakalipas na kaganapan sa Cebu ang hatid na Walang-Sawang Saya, Laro at Papremyo ng BRGY S2S dahil ang samabahayan at mga pamilya sa Bulacan naman ang susunod na pupuntahan ng Surf2Sawa. Sa paglunsad ng BRGY S2S, marami pang pamilyang Pilipino ang maaaring makatamasa ng walang humpay na kasiyahan at papremyo, pati narin ang pagkakataong maranasan ang abot-kayang, high-speed prepaid fiber internet ng Surf2Sawa.
Sa pagdayo ng Brgy S2S sa iba pang mga lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao, patuloy na lumalakas ang pagsisikap ng Surf2Sawa na magbigay ng prepaid fiber internet plan na mura, unlimited, at walang kontrata
Para sa karagdagang detalye tungkol sa Surf2Sawa at mga susunod na kaganapan, bisitahin ang surf2sawa.com o i-follow ang Surf2Sawa sa Facebook